Saturday, September 25, 2010

Nagkaroon ng outbreak sa mapua, di ko na alam ang gagawin ko dahil sinarado na ng mapua ang gates nito, hindi ako makalabas ng campus. Ako nga pala si Myungki, studyante ng mapua, CpE ang kurso ko, balik na tayo sa campus, nabigla ako dahil after class namin mga 4:30 sarado na ang gates? kasama ko ung iba kong kablocks na sila dean, ken, jomz, mcart, carl, tanjo, jp, choco yey, at ridam kaso nawala sila bigla. Naiwan ako sa gates, sabi nila na hahanap lang daw sila ng lalabasan dito at dito lang daw ako at itext ko na lang daw sila kung bumukas na ang gates. Nagutom ako nung mga oras na yun kaya pumunta ako ng canteen, ang daming studyante na tumatawag sa kanilang mga magulang, takot na takot ang iba at mayroon pumuntang lalake na nakaamericana at sinabing meron outbreak ng zombies sa buong manila na kasalukuyan ang mga zombies, kinuha niya ang remote ng tv dun sa malapit sa canteen at pinakita sa mga studyante na buong manila ay nasakop na ng zombies, natakot ang iba ang lalong nag-alala sa mga pamilya nila. May narinig akong sumigaw ng malakas bandang gate ata un, tumakbo ung mga security guards patungo dun at ako naman ay nagtungong north building nakita ko meron isang duguan na guard doon at sa tingin ko nahawa na ito hinabol ako ng guard hanggang sa napunta ako sa laboratory ng biochem. Nakita ko yung mga studyante din mga 4 sila nakayuko at nagtatago sa cabinet ng chemistry table..